
Hindi malaman ni SHaine kung ano ang sumasapi sa kanya kung nakikita nya si SIr Albert. Ang isipan niya ay lumilipad at hindi halos makapagsalita kung ang nasabing guro ay malapit lang sa kanya.
"Alam mo, SHaine... one word lang naman iyang nararamdaman mo, eh," sabi ng kaibigan ni SHaine na si Lisa, isang tanghalian sa canteen.
"Anong one word na iyan?" tanong ni Shaine na curious sa sinabi ng kaibigan.
"CRUSH," isang mahina ngunit halatang kinikilig na bigkasin ito ni Lisa.
Nabigla si Shaine. "Crush? Kailan ko pa nagustuhan si Sir Albert?" sabi ni SHaine na itinatanggi ito.
"Hoy, halata na po iyan. You can't tell a lie to me," sabi ni Lisa. "Ano naman iyang pag lumalapit si Sir ALbert ay hindi ka makagalaw. At tapos..." Tumigil sandali si Lisa at tumingin sa mga mata ni Shaine. "Nakikita ko sa mga mata na tuwang-tuwa ka na pinag-uusapan natin siya."
"Lisa, wala nmana iyon.Admiration lang talaga at iyun lang," pabulaanan ni Shaine.
"Admiration?" nagtataka si LIsa.
"Oo. Ang gwapo kaya ni SIr, ang tangkad at ang talino nun," sagot ni Shaine sabay tayo sa kanyang kinauupuan. Pinagtakhan ito ni Lisa.
"Hoy, Shaine. Saan ka pupunta?" tanong ni Lisa.
"Pupunta ako sa isang tahimik na lugar na hindi ka kasama," sagot ni Shaine at sabay umalis.
"Whatever, Shaine. Still, you can't hide to me something," pinagpatuloy sa pagkain si Lisa.
Pumunta si Shaine sa basketball court na may di-kalayuan sa canteen. Nang marating ang nasabing basketball court, umupo siya sa bleachers. Napakatahimik ng court at mabilang-daliri lamang ang mga nandoon. Sa court na nasa harap niya, may isang lalaki na naglalaro ng basketball. Tiningnan ni SHaine kung sino ang naglalaro sa harapan niya at nagulat lamang siya kung sino ang naglalaro.
"Sir Albert..." ang tanging nasabi niya nang makilala ang taong naglalaro ng basketball. Hindi mapakali si Shaine at natataranda. Kinakabahan ng makita ang guro na tumatakbo habang nag-dridribol ng bola. NAng malapit na siya sa ring, tumalon ito at ipinasok ang bola sa ring. Tumalbog ang bola at palapit ito kay Shaine kay mas lalong kinakabahan ang dalaga. Ang tunog ng talbog ng bola ay parang ingay ng talbog ng puso niya. Is this admiration?
No comments:
Post a Comment