Thursday, December 3, 2009

CHAPTER 2

Lumapit si Sir ALbert upang kunin ag bolang tumatalbog. Habang papalapit ang guro, hindi makagalaw si Shaine. At nang nasa harapan na niya ang guro, parang naninigas ang katawang ni Shaine.

"Shaine," pangumusta ng guro. "Anong ang ginagawa mo rito?" Kinuha ng guro ang bola at sabay umupo sa tabi ni Shaine.

"Ano ang gagawin ko?" tanong ni Shaine sa sarili niya. Itinago ni SHaine ang kanyang nararamdaman at pilit na di-maapektuhan. Hindi niya ipinahalata at bagkus, pinakita niya na okey siya.

"Wala sir. Tahimik kasi rito...gusto kong mag-aral dito," sagot ni Shaine sa tanong ni Sir Albert.

"Ganun ba?" ang nasabi ni Sir Albert. Isinandig ni Sir Albert ang sarili sa upuan. ANg kanyang braso ay naka-straight at suporta para sa kanyang buong katawan. Marahil, dahil sa kapaguran nito. Naipikit ni SIr ALbert ang kanyang mga mata. At si Shaine, ipinakong tingin niya ang kanyang mata sa kanyang katabi. ANg mukha nito, mula noon, ang mga nakapikit na mga mata nito, ang matangos na ilong nito at ang mamula-mula't manipis na labi.

Nang buksan ni Sir Albert ang kanyang mga mata, dali-daling ipinukol ni SHaine ang kanyang mga mata sa ibang direkson.

"Shaine, may panyo ka ba?" tanong ni Sir Albert.

"Meron po, sir," sabi ni Shaine sabay dukot ng panyo mula sa bulsa ng kanyang palda. Ibinigay niya ito kay Sir Albert. Umupo nang tuwid si Sir Albert at ipinunas niya ang panyo ni Shaine sa kanyang noo at kamay.

"Pasensya ka na, Shaine," humingi ng paumanhin si Sir Albert. Wala kasi akong dalang panyo."

"Okey lang iyon, sir," sabi ni Shaine.

"Lalabhan ko na lang ang panyo mo," tumayo si Sir Albert. HIndi na nagsalita si Shaine. Umalis si Sir Albert at si Shaine ay napagbuntong-hinnga. Halata rin na kinikilig siya at nakangiti pa.


"Bakit nakangiti ka diyan?" tanong ng isang pamilyar na boses sa likod ni Shaine.

No comments:

Post a Comment