Wednesday, March 17, 2010

CHAPTER 4

"Sige na nga," hindi nagdalawang-isip si Shaine. Umupo siya sa tabi ni Albert. "Anong pahina ba iyan?"

"Page 134," sagot ni Albert. Kinuha ni Shaine ang libro ni Albert sa Physics at binuklat ang libro sa nasabing pahina. Binasa niya ang nasabing leksyon at tinuruan niya si Albert.

Habang nagtuturo si Shaine, hindi mai-alis ni Albert ang kanyang tingin kay Shaine. Ang tingin niya kay Shaine ay napakamagiliw kung tutuusin.

"Oo naturuan na kita," sabi ni Shaine pagkatapos ng labin-limang minutong pagtuturo niya nito sa kanya. "Aalis na ako." Tumayo si Shaine at dali-daling umalis. Hindi niya narinig ang pagpigil ni Albert sa kanya.

Nang mawala na sa paningin ni Albert si Shaine, umupo siya sa upuan. Dito'y nilapitan siya ng isang kaibigan. "Sayang talaga at hindi mo naibigay sa kanya ang sulat mo," sabi ng kaibigan.

"Tama ka nga, Kiko," sagot ni Albert sa kaibigan. Binuklat ni Albert ang librong Physics sa pahinang 143 at dito may isang maliit na papel. Kinuha niya ang papel at pupunitin niya ito ngunit hindi niya magawang punitin ito. Kaya ibinalik niya ito sa libro.

Samantala si Shaine naman ay nakarating na rin sa kanyang silid-aralan. Naghihingal ito dahil tumatakbo ito. At tamang-tama namang wala pa ang guro niya. Umupo siya sa kanyang kinauupuan. "So, anong nangyari sa study lesson ninyo ni Albert?" tanong ni Liza na katabi lamang ni Shaine.

"Okay naman," sagot ni Shaine. Inilapag niya ang bag niya sa sahig. "Hindi ko alam kung nakikinig ba iyon sa akin."

"Bakit naman?" tanong ni Liza.

"Eh, palagi naman niya akong tinitigan," sabi ni Shaine.

"Ahh ganun pala," sabi ni Liza. "Shaine by the way, malapit na pala ang prominade."

"Oo nga pala, malapit na pala ang February 14!" napangiti si Shaine. Marahil ay excited siya sa prominade na iyon.

"So what are your plans?" tanong ni Liza. "Ako kasi magsusuot ako ng gown at mag-aaply ng makeup. Ikaw?"

"Well, hindi ko alam. Wala pa kasi akong susuotin pero... maybe a week before baka meron na."

"Okay," tumigil sandali si Liza at nagtanong. "Shaine, sino ba ang ka-partner mo sa prom?"

Tuesday, March 16, 2010

CHAPTER 3

Lumingon sa kanyang likuran si Shaine. At kitang-kita ng dalawang-mata niya na si Lisa pala ang pamilyar na boses na iyon. Inulit ni Lisa ang tanong niya kay Shaine. Hindi malaman ni Shaine kung ano ang isasagot niya sa kaibigan ngunit dali-dali siyang gumawa ng sagot.

"Wala ito," sabi ni Shaine. "May naalala lang ako." Ngunit ang kaibigan ay halatang hindi kumbinsido sa sinabi ng kaibigan. "Totoo talaga," sabi ni Shaine.

"Sige na nga," sa wakas ay nakumbinsi rin siya.

"Bakit ka pala nandito?" tanong ni Shaine. Sinagot naman ito ni Lisa.

"Hinahanap ka kasi ni Albert kasi magpapaturo iyon... sa iyo ng English," sabi ni Lisa.

"Magpapaturo na naman!" nabigla si Shaine. "Noong isang linggo lang...nagpaturo siya. Pero ngayon na naman." Nagtaka si Lisa sa inasal ng kaibigan.

"Bakit? Ayaw mo ba siyang turuan?" tanong ni Lisa kay Shaine.

"Hindi naman sa ganoon, Liz. Pero ayaw ko talaga siyang turuan ngayon kasi nakakapagod," paliwanag ni Shaine sa kaibigan.

"Nakakapagod? Eh, ikaw iyung ngiti ng ngiti kanina diyan," sabi ni Lisa. "At tapos, pagod ka?" Nag-usisa pa si Lisa. "Bakit sino nga ba ang naalala mo at nangitian mo?"

Hindi mapakali si Shaine sa tanong ni Lisa. Hindi niya alam kung ano ang sasagutin.

"Ano? Sino ang ningigitian mo diyan?" tanong ni Lisa.

"Sige na nga, tuturuan ko na si Albert," sabi ni Shaine at sabay paalis kay Lisa.

"Shaine! Shaine!" sumigaw ang kaibigan.

"Bakit?" tanong ni Shaine. Lumingon si Shaine.

"Nasa canteen si Albert. Hindi diyan ang daan sa canteen," sabi ni Lisa. Tinuro niya ang kanan.

Nagkamali si Shaine. Hindi niya namalayan o nakalimutan lang niya na ang canteen ay nasa kanan ng paaralan. Lumakad si Shaine sa kanan at pumunta sa canteen.

Nang marating ang canteen, hinanap niya kaagad si Albert. At nakita naman niya ito na nasa hulihan ng canteen.

"Ano na naman ngayon, Albert?" tanong ni Shaine sa kausap.

"Shaine... may test kasi ako ngayong Lunes sa Physics. Maari bang magpaturo sa iyo?" tanong ni Albert.