Tuesday, March 16, 2010

CHAPTER 3

Lumingon sa kanyang likuran si Shaine. At kitang-kita ng dalawang-mata niya na si Lisa pala ang pamilyar na boses na iyon. Inulit ni Lisa ang tanong niya kay Shaine. Hindi malaman ni Shaine kung ano ang isasagot niya sa kaibigan ngunit dali-dali siyang gumawa ng sagot.

"Wala ito," sabi ni Shaine. "May naalala lang ako." Ngunit ang kaibigan ay halatang hindi kumbinsido sa sinabi ng kaibigan. "Totoo talaga," sabi ni Shaine.

"Sige na nga," sa wakas ay nakumbinsi rin siya.

"Bakit ka pala nandito?" tanong ni Shaine. Sinagot naman ito ni Lisa.

"Hinahanap ka kasi ni Albert kasi magpapaturo iyon... sa iyo ng English," sabi ni Lisa.

"Magpapaturo na naman!" nabigla si Shaine. "Noong isang linggo lang...nagpaturo siya. Pero ngayon na naman." Nagtaka si Lisa sa inasal ng kaibigan.

"Bakit? Ayaw mo ba siyang turuan?" tanong ni Lisa kay Shaine.

"Hindi naman sa ganoon, Liz. Pero ayaw ko talaga siyang turuan ngayon kasi nakakapagod," paliwanag ni Shaine sa kaibigan.

"Nakakapagod? Eh, ikaw iyung ngiti ng ngiti kanina diyan," sabi ni Lisa. "At tapos, pagod ka?" Nag-usisa pa si Lisa. "Bakit sino nga ba ang naalala mo at nangitian mo?"

Hindi mapakali si Shaine sa tanong ni Lisa. Hindi niya alam kung ano ang sasagutin.

"Ano? Sino ang ningigitian mo diyan?" tanong ni Lisa.

"Sige na nga, tuturuan ko na si Albert," sabi ni Shaine at sabay paalis kay Lisa.

"Shaine! Shaine!" sumigaw ang kaibigan.

"Bakit?" tanong ni Shaine. Lumingon si Shaine.

"Nasa canteen si Albert. Hindi diyan ang daan sa canteen," sabi ni Lisa. Tinuro niya ang kanan.

Nagkamali si Shaine. Hindi niya namalayan o nakalimutan lang niya na ang canteen ay nasa kanan ng paaralan. Lumakad si Shaine sa kanan at pumunta sa canteen.

Nang marating ang canteen, hinanap niya kaagad si Albert. At nakita naman niya ito na nasa hulihan ng canteen.

"Ano na naman ngayon, Albert?" tanong ni Shaine sa kausap.

"Shaine... may test kasi ako ngayong Lunes sa Physics. Maari bang magpaturo sa iyo?" tanong ni Albert.